Almusarap na Umaga: Tuyo sa Champorado Combination in one Bowl!
- itisWHATEATis!
- Mar 20
- 2 min read
Updated: Mar 23

Breakfast is the most important meal of the day. Hindi kumpleto ang umaga kung walang almusal na nagbibigay sa’tin ng energy para sa pagsisimula ng panibagong araw. Sounds bizarre pero naisip mo na bang i-partner ang champorado sa tuyo? Confuse ka ba kung paano ito pinagsasabay? Baka ang combination pa ng dalawang ito ang maging bagong favorite mo! Champorado with tuyo, kayang-kaya gawin kahit nasa bahay ka lang!
Ang Champorado ay isa sa mga comfort food ng mga pinoy, at na-distinguished by its creamy texture and use of cocoa powder or tablea. Minsan, nilalagyan pa ito ng gatas at asukal para mas masarap, at samahan mo pa ng tuyo bilang pamares.

Ang tuyo o dried fish, ay isang pinatuyong isda na pinatuyo sa araw, at isang simpleng paraan ng mga Pilipino para ma-preserve ang pagkain noon at hanggang ngayon.

Ang combination ng tamis ng champorado at saltiness ng tuyo ay isang perfect example ng umami flavor profile, isang harmonious balance na talaga namang papatok sa ating mga panlasa. Ang contrast ng malapot na champorado at fried tuyo ay nagdaragdag ng kakaibang texture sa pagkain. At talaga namang it's amazing how inventive Filipino cooking is, blending seemingly disparate flavors into a delicious whole, More than a plain meal.

CHAMPORADO RECIPE WITH TUYO:
Ingredients:
8 tbsp cocoa powder / 4 pieces tableya
I cup of glutinous rice (malagkit)
½ cup sugar
3 ½ cups of water
Condensed milk (optional)
dried fish (tuyo)

Procedure:
Step 1: Maglagay ng 2 ½ tasa ng tubig sa isang pot at pakuluan.
Step 2: Ilagay ang malagkit na bigas at hayaang kumulo muli ang tubig ng ilang minuto.
Step 3: Ihalo ang cocoa powder sa 1 tasa ng maligamgam na tubig, pagkatapos ay ibuhos sa pot at haluing mabuti.
Step 4: Kapag luto na ang malagkit na bigas (mga 12 hanggang 18 minutes ng pagluluto habang patuloy na hinahalo), idagdag ang asukal at lutuin pa ng 5 minutes o hanggang sa maging makapal ang texture.
Step 5: Alisin sa pot at ilagay sa isang mangkok.
Step 6: Ihain ng mainit na may kondensadong gatas sa ibabaw.
Step 7: In another pan, fry your tuyo (fried fish) sa kumukulong mantika.
Step 8: Kapag tapos na at luto na ay pwede na itong ii-serve sa ibabaw ng Champorado.

Champorado with tuyo ay isa lamang sa mga patok sa panlasang pinoy na It demonstrates how Filipinos can combine flavors in inventive ways to create something na very enjoyable at kakaiba in creative way. Simpleng ingredients lang, but with a little creativity, it can be transformed into delicious food. It is a taste of home, a taste of the creativity, and a taste of Filipino pride.
コメント