SOYAmmy: Crispy Tofu Square Bites!
- itisWHATEATis!
- Apr 25
- 2 min read

Minsan, nasa simpleng luto ang ultimate sarap! Kung akala mo ordinaryo lang ang tofu, think again! Kayang-kaya nitong maging bida sa kahit anong handaan basta may tamang timpla at perfect na sawsawan. Kung sawa ka na sa mga tofu sisig, fried tofu but you still want tofu and savory at the same time, then this dish ang perfect for you.
Sa daming ingredients na maaring gamitin, maybe you're asking why tofu? Because, hindi lang basta ulam si tofu, powerful superfood din ito! Bukod sa pagiging rich in plant-based protein, may taglay din itong isoflavones na pwedeng makatulong sa heart health at cancer prevention. May calcium at magnesium pa for stronger bones, kaya perfect siya sa mga gustong maging healthy without giving up on sarap. (WebMD, Healthline)
Ingredients
Tofu
Cooling oil
Bread crumbs
Flour
Eggs
Calamansi
Real Mayonnaise
Sugar
Oyster Sauce
Pepper
Salt
Water
Procedures:
Frying Tofu
Cut the tofu in square shape
Ilublob ang tokwa sa itlog. Pagkatapos ay ilagay sa flour bago ibalik muli sa itlog at tsaka i-coat sa bread crumbs.
Kapag na-coat na ang lahat ng tokwa, ihanda naman ang kawali at tsaka magpainit ng mantika.
Ilagay na ang tofu kapag mainit na ang mantika at simulan itong prituhin. Dapat hindi masyadong malakas ang apoy upang hindi ito masunog agad.
Pagkatapos prituhin lahat ay ilagay ito sa isang malinis na pinggan.
Wait, there’s more.. hindi kumpleto ang pagkain kapag walang sauce!
Here’s the Procedure on how to make sauce using:
Real Mayonnaise
1 tbsp of Oyster Sauce
1 tbsp of Calamansi
1 tbsp of Sugar
A little bit of pepper, salt, and water
Step 1: Ilagay muna ang 80ml mayonnaise sa inihandang lagayan.
Step 2: Isunod ang 1tbsp ng oyster sauce
Step 3: Maglagay ng 1tbsp din ng calamansi
Step 4: Magdagdag ng 1tbsp of sugar
Step 5: Lagyan ng konting asin, paminta, at tubig bago haluin.
Step 6: Haluin lang nang haluin and ready na ang iyong sauce! Puwedeng-puwede na itong ilagay sa iyong tofu square!

Hindi mo kailangan ng chef's hat para makagawa ng ulam na kayang bumida sa hapag! Kahit simpleng tofu, puwede mong i-level up into something extraordinary—basta may creativity, passion, at puso sa pagluluto. Always remember: kahit anong putahe, may power maging espesyal dahil ikaw ang magic na nagpapasarap sa bawat luto.
Comments