CABBAGE TUNA BOWL
- itisWHATEATis!
- Apr 1
- 2 min read

Sa panahon ngayon, ang pagbabalanse ng nutritional needs with budget constraints can feel like a constant struggle para satin. Marami rin ang nag-aakala na ang healthy eating requires a hefty price tag, pero sa totoo lang kaya pa natin yan simplehan na swak na swak sa panlasa at ating mga bulsa. Sino mag aakala na ang simpleng Cabbage at Century tuna can be a delicious, nutritious, and remarkably affordable meal, achievable for only under 100 pesos.

INGREDIENTS:
- 1/4 Cabbage
- 1/4 Carrots
- Canned Tuna
- Egg
- Salt and Pepper
- 1 small onion
- 3 gloves of garlic

PROCESS:
- First, ihanda na natin lahat ng mga ingredients na kailangan, hiwain na ang bawang, sibuyas, carrots, at cabbage. Tapos, idrain na rin natin ang soup ng tuna.
- Next, sa isang kawali painitin ang cooking oil over a medium heat. Tapos i-add na natin ang minced garlic at onions and saute this until it turns into golden brown.
- Then, i-add na natin ang drained tuna sa pan and saute it for about 1 minute.
- After that, isalin na natin ang shredded cabbage and carrots, tapos isalin ang tuna soup at lagyan na rin natin ng salt and pepper to season it properly, stir-fry lang natin for about 2-3 minutes hanggang magsoften ang mga veggies.
- Finally, our cabbage tuna meal is now ready to serve! Isalin lang ito sa plato na may kanin, at dagdagan na rin ng egg para sa mas siksik na protein meal!

Ang Cabbage Tuna Rice bowl ay nagpapatunay na ang healthy and delicious meals ay kayang ma-achieve sa murang halaga. Its affordability, combined with its impressive nutritional profile, makes it an ideal choice para sating mga budget-conscious at nag-aaim ng nutritional balance sating mga kinakain. Ang simpleng bowl na ito ay nagbibigay as a reminder that nutritious eating is accessible to everyone, regardless of their financial circumstances. By embracing simple, murang ingredients, makakagawa tayo ng pagkain na parehong masarap at beneficial para sa ating mga kalusugan.
Comments