top of page
  • Facebook
  • Instagram
Search

Kinse-Meals: Mabigat sa Tiyan pero Hindi sa Bulsa!

  • Writer: itisWHATEATis!
    itisWHATEATis!
  • Mar 25
  • 2 min read
 COURTESY: MR GAVINO'S FB PAGE
COURTESY: MR GAVINO'S FB PAGE


Nowadays ang hirap nang maka-afford ng nakakabusog na pagkain dahil sa taas ng bilihin, especially to students that are on a budget. Pero minsan ba naisip mo na makakakain ka na ng masarap at nakakabusog na pagkain but on a cheaper side? Eat with your hearts content dahil sa halagang ₱15 lang busog ka na! While originally being a meat shop nagsimula silang magbenta ng murang pagkain upang magamit agad ang mga meat na kanilang paninda at makabawi sa kita pero ang presyo ng kanilang paninda ay para sa mga taong kulang sa budget pero gustong mabusog.






Dito sa tapat ng SFTI sa Zapote rd. Camarin, Caloocan City you can see Mr. Gavino’s, a newly established eatery that serves food at a low price. They served breakfast dishes buong araw from 6am until maubos ang kanilang paninda, and they also have 3 more branches, isa sa # 10 Maysan Road, Valenzuela City and two others in Quezon City, one in Commonwealth, QC and their main branch in 408 Tandang Sora Ave, Quezon City. They served various dishes from Fried Eggs, Tortang Talong, Skinless Longganisa, Siomai, Lumpia,Tilapia, Chicken Cordon Blu, and many more. But amongst them some stood out at ito nga ang mga best-selling dish nila tulad ng;



Pork Maling na may halong itlog, melts in your mouth at talaga namang masarap at nakakabusog para sa kanyang presyo.




Ang kanilang Maling Tonkatsu na katulad ng Pork Maling ay melts in your mouth pero merong crispiness na mapapa-order ka ulit, our personal favorite.




At ang kanilang Burger Steak, simple as it sounds but with their homemade gravy ay talaga namang nagbibigay ng buhay at identity sa kanilang dish. The creamy at buttery gravy ay bagay na bagay para sa kanilang rice.




 COURTESY: MR GAVINO'S FB PAGE
 COURTESY: MR GAVINO'S FB PAGE


Talaga nga namang magso-solve sa iba't ibang cravings ng mga tao dito lalo na sa pagpatak ng lunch. Ang main target market nga nila ay mga students and teachers from SFTI. At dahil nga sa 10 pesos ulam at 5 pesos na rice, super sulit ang mga pagkain nila dahil sobrang budget friendly at may unli soup ka pa na perfect para sa mga estudyanteng tight ang budget. Sila ay available for dine in and take out na perfect para sa mga busy students. Not only students and teachers ang customers nila pero patok na patok rin sila sa mga motorcycle riders, locals at iba pang napapadaan at sadyang napapadalas dito dahil nga sa affordable prices na talaga namang abot kaya na masarap pa.



One of the best things about eateries are their passion for cooking, alam mong sila ang gumawa at pinaghirapan nila ang bawat putahe nila. But what's more is yung pagiging passionate pa nila sa customers nila, serving them at a low cost para makita silang masaya dahil sa presyo at busog dahil sa lasa. Kaya tara na sa Mr. Gavinos at tikman ang mura ngunit quality na pagkain.


















 
 
 

Comments


© 2025 by It is What EAT is. Powered and secured by Wix

bottom of page