Ube Sinigang : Taste the Best of Both Worlds!
- itisWHATEATis!
- Apr 14
- 2 min read

Hindi snack, hindi dessert, pero bakit may ube? Kung akala mo na ang ube ay para lang sa dessert or snack, well, think again! Hindi maitatanggi ang galing ng mga Piilipino sa pageksperimento ng pagkain, gaya na lang sa new dish na tampok ngayon, ang Pork Sinigang sa Ube.

Oo, tama ang nabasa mo—sinigang sa ube! Kung ikaw ay fan ng tradisyunal na sinigang na may asim at tamis, imagine mo na lang ang pagpasok ng ube sa eksena. Hindi lang siya pampatamis, kundi nagbibigay siya ng kakaibang creamy texture at isang bagong level ng flavor. Parang biglang may "wow factor" sa bawat kutsara! Tara, pag-usapan natin kung paano nagsimula ang unique na kombinasyon na ito, at kung bakit ang sinigang sa ube ay isa sa mga dapat subukan sa modernong lutong Pilipino. Ready na ba ang taste buds mo para sa bagong adventure? Let's dive in!

Ang sinigang ay isa sa mga sikat na putahe sa Pilipinas dahil sa madali ito lutuin at sa kakaibang lasa nito. Maraming uri ng sinigang katulad na lamang ng beef sinigang, chicken sinigang, sinigang na hipon, sinigang na bangus, at ang putahe natin ngayon na pork sinigang.
Mas palilinamnamin pa natin ang pork sinigang sa tulong ng ube. Ang ube ay kadalasan makikita sa mga dessert dahil sa may tamis itong taglay ngunit kapag ang ube ay hindi pa napaprocess ay para lamang itong gabi na karaniwang ginagamit sa sinigang para lumapot ang sabaw nito.
Ingredients:

Pork
Ube
Kangkong
Sitaw
Talong
Sibuyas
Kamatis
Siling Green
Pork cubes
Sinigang powder
Ginisa Mix
Patis
Water
Process:

Step 1: Chop & cut your vegetables
Step 2: Pakuluan ang baboy for 15 minutes
Step 3: After 15 minutes, ilagay na ang sibuyas, kamatis, at ube para lumambot
Step 4: Smashed your ube and ilagay uli sa kaldero.
Step 5: Ilagay na ang mga iba pang gulay like kangkong, sitaw, talong, at siling green.
Step 6: Kapag kumulo na ang sinigang, ilagay na ang mga pampalasa like pork cubes, ginisa mix, and sinigang powder.
Step 7: Mag-hintay lang ng ilang minuto at kapag kumulo na ito uli ready na ang iyong pork ube sinigang!.
Ang lasa ng ube sinigang ay karaniwang lasa lamang ng sinigang na malinamnam, maasim at masarap. Wala kang malalasahan na tamis dito dahil ang lasa ng ube ay kasing lasa lang ng kamote kapag ito ay hindi pa napa-process kaya lamang pa rin ang asim sa putahe na ito.

Ang Ube Sinigang ay isang patunay lang na walang limitasyon ang creativity pagdating sa food. Tayo kasi, hindi takot mag-try ng bago—whether it's a twist on a classic like this, or something totally out of the box. Mahilig tayo mag-explore ng iba't ibang flavors, magmix ng sweet at savory, at magdagdag ng konting innovation sa bawat luto. Kaya't hindi na nakakagulat kung sa susunod na pamilya reunion o salo-salo, baka pork sinigang sa ube na ang bida sa mesa!
Comments